Posted December 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang ipatawag sa Sangguniang Bayan SB Session ng
Malay ang mga concern agencies sa Malay kaugnay sa isyu sa manifesto sa mga
bangka sa Boracay.
Sa 43rd SB Session ng Malay nitong Martes muling
tinalakay sa SB ang problema sa operasyon ng bangka kung saan mahigpit na
ipinapatupad ang pagpapasuot ng life jacket at ang pagpapasulat ng panglan sa
manifesto na sinasabing nagbabatagal sa biyahe ng mga bangka.
Dahil dito kasama sa inimbitahan ng SB Malay sa susunod
na session ang MARINA, Jetty Port Administration, Philippine Coastguard,
Transportation Office at iba pang concern agencies.
Nabatid na ikinadismaya ng SB Malay ang mabagal na
operasyon ng mga bangka ngayon sa Boracay dahil sa kautusan ng bagong commander
ng Philippine Coastguard Caticlan.
No comments:
Post a Comment