Posted December 3, 2015
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay
Nalalapit na ang araw ng pasko at ang bagong taon, kung
kayat nag-paalala ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa
mga mamimili.
Ayon sa DTI, kailangang tingnang mabuti ng mga mamimili
ang presyo ng mga produkto na kanilang binibili mula sa kanilang inilabas na
mga suggested retail price na nakapaskin sa ibat-ibang pamilihan.
Maliban dito dapat din umanong maging wais sa pamimili
upang makatipid lalo na ngayon at nagmahal din ang ibang produkto bunsod ng
naging apekto ng nagdaang mga kalamidad at nararanasang El NiƱo sa ibang
kalapit na probinsya.
Kaugnay nito naglabas naman ng Consumer Tips ang DTI para
maging gabay sa pamamimili at maiwasan ang mabiktima ng mga namamantalang
negosyante.
Samantala, kabilang sa mga minomonitor ng DTI ang presyo
ng manok at baboy na mabenta tuwing kapaskuhan.
No comments:
Post a Comment