Pages

Monday, November 30, 2015

Cargo vessel na nagkakarga ng mga motorsiklo na walang dokumento muling pinaalalahanan

Posted November 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cargo vessel sa boracayMaliban sa local sanction makakatanggap din ng penalidad sa Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga cargo vessel sa isla ng Boracay.

Ito’y sakaling mahuli silang nagkakarga ng mga motor na walang dokumento mula sa LGU Malay gayon din ang iba pang kargamento.

Ayon kay PCG Caticlan Commander Lt. Idison Diaz, tuloy-tuloy umano ang kanyang ginagawang inspection sa mga cargo area sa mainland Malay at isla ng Boracay para maiwasan ang pagpasok ng ano mang uri ng illegal sa isla ng Boracay.

Sinabi nito na mahaharap sa karampatang penalidad ang boat captain sakaling nilabag nito ang mga kautusan gayon din ay maaaring makumpiska ang kanilang cargo boat.

Dagdag pa ni Diaz na ang kanilang ginagawang paghihigpit ngayon sa Boracay ay dahil na rin sa sunod-sunod na karahasang nangyayari sa ibat-ibang bansa lalo na sa mga tourist destination.

Sa kabila nito tiniyak ni Diaz na 24/7 na nag-babantay ang kanilang hanay para sa pagpapaigting sa seguridad sa karagatang sakop ng isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment