Posted December 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tuloy-tuloy parin ngayon ang ginagawang monitoring ng
ECPAT-Philippines katuwang ang Boracay PNP personnel, MSWDO-Boracay, Malay
Auxiliary Police sa mga Indigenous People (Aeta) sa Boracay.
Ayon kay Police chief Senior Inspector Fidel Gentallan,
agad umano silang nag-rerespondi kung mayroong go signal ang Municipal Social Welfare
Development Office (MDWDO) para sa operasyon sa paghuli sa mga pagala-gala at
namamalimos na aeta sa beach area ng isla.
Nabatid na matapos ang ginawang operasyon ng MSWDO kung
saan ilang aeta ang pinabalik sa kani-kanilang lugar ay madami parin ngayon ang
gumagala sa beach area.
Maliban dito sinabi ni Gentallan na kung hindi masusugpo
ang mga gumagalang aeta ay tiyak na dadami na naman ang mga ito lalo na ngayong
palapit na ang araw ng pasko.
Samantala, bumuo na rin ang MSWDO ng committee na siyang
mag-a-assist sa pagbabalik sa mga aeta sa kani-kanilang lugar.
No comments:
Post a Comment