Posted November 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patay na ng makarating sa isang pagamutan sa isla ng
Boracay ang isang 41-anyos na bakasyunistang Taiwanese national matapos
atakihin sa puso.
Nakilala ang biktimang si Ching-Hsin Ko ng Taipei Taiwan
at nanunuluyan sa isang resort sa Station 2 Balabag Boracay.
Base sa report ng Boracay PNP, bago umano mangyari ang
insidente ay nag-inuman pa ang biktima kasama ang mga katrabaho nito sa isang
bar sa station 2 kung saan uminon ito ng apat hanggang limang bote ng alak.
Ngunit bandang alas-11:30 ng gabi ng pauwi na ang biktima
sa tintuluyang resort ay nakaramdan ito ng pagsusuka hanggang sa umabot na sa
kanilang kwarto at tuloy-tuloy parin ang pagsusuka at ditto na umano siya nag-rereklamo
ng pananakit ng dibdib.
Dahil dito mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit
ayon sa mga doktor ay patay na ito ng makarating sa pagamutan.
Samantala, napag-alaman na atake sa puso ang ikinamatay
ng biktima kung saan nakatakda namang dalhin ang bangkay nito sa kanilang bansa
sa Taipei Taiwan.
No comments:
Post a Comment