Posted August 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Todo alerto ngayon sa pagbabantay sa biyahe ng mga bangka
sa Boracay ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan dahil sa banta ng sama ng
panahon dulot ng bagyong Hanna.
Ayon kay Chief Master at Arms CPO Caticlan Adan Ayopela, may
nakataas umano ngayong gale warning sa
probinsya ng Aklan kung kayat mahigpit nilang ipinag-babawal na maglayag ang
mga maliliit na bangka kasama na ang biyaheng Hambil at Sta. Fe sa Romblon.
Maliban dito naka-standby naman umano ang pwersa ng PCG
sa mga pantalan sa Boracay at Caticlan upang e-monitor ang mga biyahe ng mga
sasakyang pandagat kung saan nakahanda naman ang kanilang mga kagamitan sakaling
may mangyaring insidente sa karagatan.
Sinabi pa ni Ayopela na walang mangyayaring kanselasyon
ng biyahe ng mga bangka hanggat kayang maglagay ng mga ito at walang nakataas
na storm signal number sa probinsya.
Nabatid na kasalukuyan ngayong nananalasa ang bagyong
Hanna sa ilang lugar sa Luzon habang ang Western Visayas ay apektado ng malakas
na Habagat.
No comments:
Post a Comment