YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 04, 2015

APTESOL, nagsagawa ng Teachers Training Workshop sa Boracay

Posted August 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsagawa ang Asian Pacific TESOL Society (APTESOL) mula sa bansang China ng Teachers Training Workshop sa Shangri-La Boracay ngayong araw.

Ito ay pinangunahan ni J Xiang Wang, CEO ng Ciwong.com, kasama ang professor ng malalaking Unibersidad sa nasabing bansa na nagsilbing mga speaker na kinabibilangan naman nina Mr. Ying Liu, Professor Yutu Gong, Zi When Lu at ni Ms. Jue Wang.

Nabatid na layunin ng APESOL na mapalawak ang kaalaman sa English ng mga guro sa China at mga online teachers sa Pilipinas kung saan kasama na rito ang pang-iingganyo ng ibat-ibang investors mula sa mga bansa na kasama sa Pacific Rim katulad ng Vietnam, Cambodia, New Zealand at Australia para mag-invest sa nasabing proyekto.

Ayon kay Wang, malaki ang maitutulong ng APESTOL sa edukasyon at Job opportunities sa Boracay lalo na sa buong bansa.

Kaugnay nito ang nasabing conference ay dinaluhan ng mga guro at mga scholars mula sa China, Local Officials ng LGU Malay sa pangunguna naman ni SB member Jupiter Gallenero, Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) Officials, Boracay Administrator Glen SacapaƱo, Municipal Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos at DepEd Malay District Supervisor Jessie Flores.

Samantala, ito ang kauna-unahang pagbisita ng APESTOL sa bansa lalo na sa Boracay para sa isang conference na nagsimula ngayong araw at magtatapos naman bukas araw ng Martes.

No comments:

Post a Comment