YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 06, 2015

Emergency Shelter Assistance para sa mga biktima ng bayong Yolanda sa Boracay naipamahagi na!

Posted August 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dswd for yolanda victimsMakalipas ang ilang taong paghihintay natanggap na rin sa wakas ng mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Boracay ang kanilang Emergency Shelter Assistance mula sa gobyerno.

Simula kaninang alas-8 ng umaga ng ipinamigay sa Yolanda victims na kasama sa partially damage ang kanilang ESA na nagkakahalaga ng P10, 000 bawat pamilya.

Ito ay pinangunahan naman ng Municipal Treasures Office ng Malay at ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni MSWD Officer In Charge Madel Dee Tayco.

Una itong ipinamahagi sa mga residente ng Yapak at Balabag na kabilang sa listahan ng MSWDO na partially affected ang kanilang bahay ng nasabing bagyo habang sa Brgy. Manoc-manoc naman ay ipinamigay nitong hapon lamang.

Kaugnay nito ang mga Brgy. naman sa mainland Malay ang makakatanggap bukas  ng naturang Emergency Shelter Assistance na kinabibilangan ng Naasog, Kabulihan, Dumlog, Poblacion, Balusbus, Motag, Napaan, Cubay Sur, Cubay Norte, Nabaoy, Napaan, Argao, Sambiray at Caticlan.

Samantala, napag-alaman na hindi pa dumadating ang assistance fund na para naman sa mga totally damage na nagkakahalaga ng P30, 000.

Ang Malay ay isa sa mga apektadong bayan sa Aklan ng manalasa ang bagyong Yolanda noong 2013 na nagdulot ng kasiraan sa mga bahay, emprastraktura at mga pananim.

No comments:

Post a Comment