Posted August 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inilapit ng mga residente ng Balinghai Yapak sa Boracay
ang kanilang problema sa linya tubig sa Sangguniang Bayan ng Malay.
Sa nakaraang SB Session nitong Martes isang petition letter
ang ipinadala ng mga residente ng Balinghai para ipaalam sa konseho ang
kanilang problema at upang magawan ng agarang aksyon.
Nabatid kasi na ang dahilan ng pagkawala ng tubig sa
lugar ay dahil sa pinuputol umano ng hindi matukoy na mga personalidad ang mga
tubo ng tubig na dumadaloy sa mga kabahayaan sa Balinghai.
Dahil dito gumawa na rin ng aksyon ang Brgy. Official’s
ng Yapak kung saan inutusan na rin ni Brgy. Captain Hector Casidsid ang mga
brgy. Tanod na magbantay sa naturang lugar para mahuli kung sino man ang
gumagawa nito.
Samantala, nagsagawa naman ng Committee Hearing ang
Sangguniang Bayan ng Malay para mabigyan ng aksyon ang naturang problema.
No comments:
Post a Comment