Posted August 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pormal ng umupo ngayong linggo sa kanyang pwesto bilang
bagong Officer In-Charge ng Boracay PNP si PSUPT Danilo Delos Santos.
Nitong araw ng Miyerkules ay nagpakilala si Delos Santos
sa mga personnel ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) kasabay ng
pagsagawa ng PICE sa mga pulis.
Si Delos Santos ang pumalit kay PSI Frensy Andrade na dating
OIC ng Boracay PNP na nanungkulan naman sa loob ng anim na buwan.
Samantala, kasabay ng pag-upo ni Delos Santos bilang
bagong OIC Chief ay nagsagawa naman ang NAPOLCOM Region 6 nang-inpeksyon sa
BTAC personnel na pinangunahan ni Atty. Jerome Asuga, Chief TSD ng NAPOLCOM at
sa presensya ni Delos Santos.
Kasama naman sa ginawang PICE ng NAPOLCOM sa mga
personnel ay ang Checking and Observance of Pulis Tamang Bihis, Long and Short
Firearm inspection at Physical accounting ng BTAC Personnel.
Samantala, nakatakda namang makipagpulong sa Local
Government Unit ng Malay at sa mga Law Enforces sa Boracay ang pag-upo ni Delos
Santos.
No comments:
Post a Comment