Pages

Friday, August 07, 2015

Philippine Coastguard todo alerto sa biyahe ng mga bangka sa Boracay dahil sa sama ng panahon

Posted August 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for philippine coast guard caticlanTodo alerto ngayon sa pagbabantay sa biyahe ng mga bangka sa Boracay ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan dahil sa banta ng sama ng panahon dulot ng bagyong Hanna.

Ayon kay Chief Master at Arms CPO Caticlan Adan Ayopela, may nakataas umano ngayong  gale warning sa probinsya ng Aklan kung kayat mahigpit nilang ipinag-babawal na maglayag ang mga maliliit na bangka kasama na ang biyaheng Hambil at Sta. Fe sa Romblon.

Maliban dito naka-standby naman umano ang pwersa ng PCG sa mga pantalan sa Boracay at Caticlan upang e-monitor ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat kung saan nakahanda naman ang kanilang mga kagamitan sakaling may mangyaring insidente sa karagatan.

Sinabi pa ni Ayopela na walang mangyayaring kanselasyon ng biyahe ng mga bangka hanggat kayang maglagay ng mga ito at walang nakataas na storm signal number sa probinsya.

Nabatid na kasalukuyan ngayong nananalasa ang bagyong Hanna sa ilang lugar sa Luzon habang ang Western Visayas ay apektado ng malakas na Habagat.

No comments:

Post a Comment