Posted August 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Makalipas ang ilang taong paghihintay natanggap na rin sa
wakas ng mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Boracay ang kanilang Emergency
Shelter Assistance mula sa gobyerno.
Simula kaninang alas-8 ng umaga ng ipinamigay sa Yolanda
victims na kasama sa partially damage ang kanilang ESA na nagkakahalaga ng P10,
000 bawat pamilya.
Ito ay pinangunahan naman ng Municipal Treasures Office
ng Malay at ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) sa pamumuno
ni MSWD Officer In Charge Madel Dee Tayco.
Una itong ipinamahagi sa mga residente ng Yapak at
Balabag na kabilang sa listahan ng MSWDO na partially affected ang kanilang
bahay ng nasabing bagyo habang sa Brgy. Manoc-manoc naman ay ipinamigay nitong
hapon lamang.
Kaugnay nito ang mga Brgy. naman sa mainland Malay ang
makakatanggap bukas ng naturang
Emergency Shelter Assistance na kinabibilangan ng Naasog, Kabulihan, Dumlog,
Poblacion, Balusbus, Motag, Napaan, Cubay Sur, Cubay Norte, Nabaoy, Napaan,
Argao, Sambiray at Caticlan.
Samantala, napag-alaman na hindi pa dumadating ang
assistance fund na para naman sa mga totally damage na nagkakahalaga ng P30,
000.
Ang Malay ay isa sa mga apektadong bayan sa Aklan ng
manalasa ang bagyong Yolanda noong 2013 na nagdulot ng kasiraan sa mga bahay, emprastraktura
at mga pananim.
No comments:
Post a Comment