Posted June 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pansamantala munang kinansila ng Aklan Electric
Cooperative (AKELCO) Inc. ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng tellering at
bolante activities ngayong araw.
Ito’y upang bigyang daan ang malaking kaganapan sa
kooperatiba na 32nd Annual General Membership Assembly (AGMA) na
gaganapin mamayang ala-1:30 ng hapon sa ABL Sports Complex bayan ng Kalibo.
Ayon naman kay AKELCO PIO Rence Oczon, ang lahat ng
AKELCO Area Office at Paying Office na may tellering at bolante activities ay
hindi muna tatanggap ng mga costumer ngayong araw.
Kaugnay nito inaasahan umano nila na mahigit sa sampung
libong kunsumidor ng AKELCO ang dadalo sa isasagawang AGMA mamayang hapon.
Aniya ang Annual General Membership Assembly (AGMA)
ngayong taon ay may temang
“Strengthening the Spirit of Cooperatives through Excellent Services”.
Samantala, lahat ng kunsumidor ng AKELCO ay inaanyayahan
dumalo sa nasabing Assembly upang ng sa gayon ay maiapaabot sa kanila kung
ano-anong programa ng meron ang nasabing kooperatiba.
No comments:
Post a Comment