YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 04, 2015

PRO-6 Director C/Supt. Josephus Angan, itinangging may cash allowance ang mga pulis na na-augment sa APEC Ministerial Meeting sa Boracay

Posted June 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Matapos sumabog ang balita at reklamo laban kay Police Regional Office (PRO) 6 Director C/Supt. Josephus Angan naglabas na rin ito ng kanyang pahayag.

Ayon kay Angan hindi totoo na mayroong inilaang budget para sa cash allowance ang mga pulis na idineploy sa Boracay sa ginanap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) ministerial meeting nitong buwan ng Mayo.

Sinabi nito na nagkataon lang na na-delay ang paghahanda ng pagkain ng caterer para sa mga pulis kung kayat binigyan na lamang umano sila ng budget sa unang araw ng kanilang augmentation.

Itinanggi naman ng opisyal na ang kanyang misis ang nagmamay-ari ng caterer sa Boracay taliwas sa sinasabing ang asawa nito ang namamahala sa mga caterer para sa mga pulis.

Idiniin din ni Angan na ang kanilang kagustuhang pagpapa-cater ay base na rin umano sa mandato ng Commission on Audit (COA).

Sa ngayon ipinahanda na ni General Angan ang Finance at Comptroller Division sa PRO-6 ng liquidation para maipasa sa PNP National Headquarters sa Kampo Crame matapos na tawagin ang atensyon nito ni Public Information Officer chief S/Supt. Bartolome Tobias tungkol sa nasabing isyu.

Matatandaang maraming mga pulis ang lumabas ng kanilang sama ng loob laban kay Angan dahil sa sinasabing pag-ipit umano ng kanilang cash allowance ng ma deploy ang mga ito sa Boracay sa loob ng tatlong linggo para sa naturang meeting.

No comments:

Post a Comment