YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 03, 2015

Bilang ng mga nakiisa sa On line Petition laban sa isang commercial expansion sa Puka Beach, Boracay lumulobo

Posted June 3, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

www.facebook.com
Lumulobo na ang nakiisa sa On line Petition laban sa isang commercial expansion sa Puka Beach Boracay.

Base sa ikinasang online petition ng isang environment advocate na Friends of the Flying Foxes, nabatid na umabot na sa 8,555 ang mga sumusuporta upang maisalba sa pagkasira ang natitirang gubat doon.

Giit ng nasabing grupo, tahanan ng mga endangered species katulad ng mga malalaking paniki o flying foxes ang nasabing gubat.

Ang mga flying foxes ang uri ng hayop sa lugar ang sinasabing responsable sa reforestation dahil sa mga butong naikakalat nila mula sa mga punong kahoy.

Nakakatulong rin umano ang mga ito sa pagpapanatili ng malusog na ‘ecosystem’ ng Boracay at Northwest Panay Peninsula.

Nabatid na bumama na sa 2,238 ang bilang ng mga ‘Flying Foxes’ nitong April 8, 2014, mula sa 15, 000 noong taong 1986.

Samantala, maliban sa mga online petitioners, nabatid na gumagawa naman ngayon ng ingay ang mga lokal na residente at nagmamalasakit sa isla laban sa itinatayong hotel sa Puka Beach sa Barangay Yapak.

Tampok dito ang 426 hotel rooms at 77 underwater hotel rooms na may mga aquarium windows.

Base sa isang pahayag, sinabi ni Western Visayas Environmental Management Bureau (EMB-6) Regional Director Atty. Jonathan Bulos na hindi pa naisyuhan ng ECC o Environmental Compliance Certificate ang nasabing proyekto.

No comments:

Post a Comment