Posted June 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Aminado ngayon ang
mga pedicab drivers sa Boracay na apektado sila ng mga Muslim vendors sa
Tourist Center.
Ayon sa isang pedicab driver, bumaba umano ang kaniyang
kita dahil hindi na sila makapwesto sa dati nilang lugar mula nang ilagay ng
LGU Malay ang mga nasabing vendors doon.
Kuwento ni ‘Mang Tony’, hindi totoong pangalan, umaabot
dati sa P300.00 kada araw ang kanyang kita noong sila pa ang nakapwesto sa lugar.
Sinabi pa nito na binigyan sila dati doon ng espasyo para
sa limang pedicab bago ang APEC Ministerial meeting sa isla.
Subali’t tuluyan na umano silang nawalan ng pwesto sa
Tourist Center nang tuluyan nang pumuwesto na ang mga nasabing vendors.
Magugunita namang gumawa ng paraan ang LGU Malay na
mailipat ang mga pagagala-galang Muslim vendors simula nang ipatupad ng
mahigpit ang 25+5 meter easement sa Boracay.
Magugunita ring sinabi ng mga vendors na humina ang
kanilang kita kung ikukumpara noong malaya silang nakapagbe-benta sa beach
front.
Samantala, nabatid na nasa 70 miyembro ng asosasyon ng
mga pedicab drivers sa Boracay ang nakikisama na lamang din sa mga vendors sa
ibinigay sa kanilang pwesto.
No comments:
Post a Comment