Posted June 4, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Sinuntok na sa mata, hinila pa ang buhok palabas ng bar.
Ito ang sinapit ng 22 anyos na babae matapos umano nitong
tanggihan ang isang Pinoy na customer.
Nangyari ang panununtok sa biktima alas 4:30 kaninang
madaling araw sa isang bar sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc.
Sumbong ng babae sa mga pulis, nilapitan umano siya ng hindi
nakilalang lalaki at akmang yayakapin, subali’t binara niya ito agad sa
pagsasabing ayaw niya sa Pinoy na customer, bagay na sinuntok siya ng lalaki sa
kanang mata.
Samantala, hindi na rin niya nakita pa ang lalaki matapos
ang insidente, kung kaya’t minarapat na lamang niyang tumungo sa Boracay PNP
Station.
No comments:
Post a Comment