Posted March 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nilinaw ngayon ng Municipal Transportation Office
(MTO) Malay na hindi exempted ang mga E-Trike sa Boracay sa “No Permit, No
Sticker Policy” ng LGU.
Ayon kay Senior Transportation Regulation Officer
Cesar Oczon Jr., kailangan pa rin ng mga
accredited E-Trike sa isla ng Boracay na siguradohing kumpleto ang kanilang mga
hinahawakang dokumento.
Paglilinaw nito, binibigyan nila ng temporary
permit ang mga E-Trike at ngayong taon ay bibigyan na rin ang mga ito ng
franchise.
Anya, ang mga dokumento pa rin ng isang tricycle na
nag-convert sa E-Trike ang sya pa pa ring gagamitin at walang pagbabago sa
pag-proseso sa mga dokumento rito.
Samantala, magugunita na ipinag-utos ni Malay Mayor
John Yap ang paghuli sa mga sasakyang walang Mayor’s permit at sticker sa
pamamagitan ng Memorandum Order No. 2015-14.
Ito’y bilang bahagi umano ng epektibong transport
and traffic management sa territorial jurisdiction ng Malay.
Nabatid na mahaharap sa karampatang penalidad ang
sinumang mahuli na walang kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan.
Napag-alaman naman na isang E-Trike ang inimpoud
nitong nakaraang Linggo lang.
No comments:
Post a Comment