YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 20, 2015

Pagpapatibay ng ordinansang nagtatatag ng Public-Private Partnership Code sa Aklan, isinusulong

Posted March 19, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for public private partnershipNakatakdang pag-usapan sa isang public hearing ang ordinansa na magpapatibay ng Public-Private Partnership (PPP) Code sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Sangguniang Panlalawigan (SP) Secretary Odon Bandiola, ang PPP ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng gobyerno at mga pribadong sektor.

Anya, base na rin sa naging opinyon ng Department of Justice (DOJ), isang pambansang layunin ang magkaroon ng maunlad na ekonomiya at lipunan sa pamamagitan ng aktibong paglahok ng mga pribadong sektor.

Dagdag pa rito marami na rin umano ngayong potensyal na investors lalong-lalo na sa isla ng Boracay na malaki ang maitutulong sa mga proyekto ng lalawigan.

Samantala, naniniwala naman ang SP Aklan na mas maliwanag ang mga kalakarang sumasaklaw sa PPP kung ihahambing sa mga nakalipas na panahon.

Napapaloob din dito ang pagpapagandahan ng mga programa at insentibo upang magkaroon ng mga kabakas sa mga programang mula sa mga lansangan at iba pang mga pagawaing-bayan.

Ang pinakamahalaga lamang ay ang paglalagdaan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor sa mga proyektong ipatutupad.

Ang malalagdaang partnerships ang magiging pamantayan at posibleng mapamarisan.

Nakatakda namang gawin ang public hearing sa ika-26 ngayong Marso.

No comments:

Post a Comment