Posted March 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isinusulong ngayon ni Sangguniang Panlalawigan (SP)
Member Emmanuel Soviet Dela Cruz ang ordinansa na naglalayong ma-regulate ang
mga irrigation services sa Aklan.
Ito’y upang masiguro ang magandang operasyon ng mga
irigasyon sa probinsya.
Ayon kay Dela Cruz, sa pamamagitan umano nito
magkakaroon ng mabilis na serbisyo at magandang irrigation systems ang Aklan.
Gayunpaman, isinangguni muna ito ng konseho sa
komitiba ng Agriculture at Environment.
Samantala, magugunita naman na nag-aproba ang SP
Aklan ng isang resolusyon kaugnay ng pag-adopt ng System Management Committee
(SMO) sa Resolution No. 01, Series of 2014 on the policies of Aklan League of
Federation of Irrigator’s Association, Inc. (ALFIA).
No comments:
Post a Comment