Posted March 17, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nag-aabang parin ngayon ang mga residente sa Sitio
Bolabog, Barangay Balabag sa paliwanag ng BIWC o Boracay Island Water Company.
Kaugnay ito sa pagbulwak ng tubig mula sa kanilang
sewer kagabi na labis namang ikinadismaya ng mga residenteng malapit sa
kalsada.
Nabatid na nagalit, nainis at hindi na umano
nakatulog ang ilan sa mga residente doon matapos umalingasaw ang mabahong amoy
na dala ng tubig mula sa sewer.
Sa inis naman ng iba, napilitan ang mga itong
tumawag ng pulis na kaagad namang dumating sa lugar.
Nabatid din na dalawang beses bumulwak ang mabahong
tubig mula sa sewer na nagdulot ng pagbaha sa kalsada.
Pumasok din ang tubig sa ilang mababang bakuran
doon.
Ilang sandali pa, dumating din ang mga taga Boracay
Solid Waste Action Team (BSWAT) at kaagad nagsagawa ng inspeksyon.
Ikinadismaya din ng mga ito ang eksenang naabutan.
Makalipas ang halos kalahating oras, dumating ang
taga BIWC at inisprehan ng gamot ang binahang lugar upang mawala ang mabahong
amoy.
Samantala, sinubukan naman ng himpilang ito na
kunan ng pahayag ang pamunuan ng BIWC, subali’t tumanggi muna silang magsalita,
dahil patuloy din umano nila itong iniimbistigahan.
No comments:
Post a Comment