Posted March 17, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isa na nga rito ang MS Celebrity Century na muling
bumisita ngayong araw dala ang mahigit dalawang libong turista.
Kaugnay nito, aminado ang DOT o Department of
Tourism na malaki ang tulong ng mga nasabing cruise ship sa industriya ng
turismo ng isla.
Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant
Kristoffer Leo Velete, bunga ito ng kanilang ‘good coordination at partneship’
sa Aklan Provincial Government at Municipal Tourism Office.
Samantala, sinabi pa ni Velete na may mga cruise
ship pang inaasahan ngayong taon, maliban sa mga cruise ship na naka-eskedyul
sa susunod na taon.
Nitong nakaraang taon naman, nabatid na nasa
sampung cruise ship na rin ang bumisita sa isla dahil na rin sa promotional
drive ng DOT at mga ahensyang katuwang nila, at maging ng mga taga business
sector sa isla.
No comments:
Post a Comment