Pages

Saturday, March 21, 2015

Mga E-Trike sa Boracay, hindi exempted sa “No Permit, No Sticker Policy” - MTO

Posted March 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for traffic codeNilinaw ngayon ng Municipal Transportation Office (MTO) Malay na hindi exempted ang mga E-Trike sa Boracay sa “No Permit, No Sticker Policy” ng LGU.

Ayon kay Senior Transportation Regulation Officer Cesar Oczon Jr., kailangan pa rin ng  mga accredited E-Trike sa isla ng Boracay na siguradohing kumpleto ang kanilang mga hinahawakang dokumento.

Paglilinaw nito, binibigyan nila ng temporary permit ang mga E-Trike at ngayong taon ay bibigyan na rin ang mga ito ng franchise.

Anya, ang mga dokumento pa rin ng isang tricycle na nag-convert sa E-Trike ang sya pa pa ring gagamitin at walang pagbabago sa pag-proseso sa mga dokumento rito.

Samantala, magugunita na ipinag-utos ni Malay Mayor John Yap ang paghuli sa mga sasakyang walang Mayor’s permit at sticker sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 2015-14.

Ito’y bilang bahagi umano ng epektibong transport and traffic management sa territorial jurisdiction ng Malay.

Nabatid na mahaharap sa karampatang penalidad ang sinumang mahuli na walang kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan.

Napag-alaman naman na isang E-Trike ang inimpoud nitong nakaraang Linggo lang.

No comments:

Post a Comment