YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Chinese. Show all posts
Showing posts with label Chinese. Show all posts

Friday, March 08, 2013

Coverage ng Life Guard Boracay palalawakin na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Simula ngayong araw ay balak nang palawakin ng Life Guard Boracay ang kanilang pagpatrolya upang mabantayan ang beach ng isla.

Ito ay upang masigurong ligtas ang mga naliligo lalo pa ngayong malapit na ang summer season.

Ayon kay Boracay Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao, batid na rin nila ang pangyayari noong ika-6 ng Marso sa Sitio Diniwid kung saan isang Chinese na turistang babae ang nalunod.

Dahil dito, isasama na rin umano nila ang Sitio Diniwid sa babantayan ng mga Life Saver.

Habang ang Puka Beach, ayon dito, may mga Barangay Tanod na rin aniya na nagbabantay para  maging ligtas din ang paliligo doon.

Sinabi din ni Labatiao na malaki rin umano ang maitutulong ng mga security guard upang mabantayan din ang kanilang area lalo na ang kaligtasan ng mga naliligo.

Thursday, March 07, 2013

Dalawang turista, nalunod sa Boracay!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dalawang kaso ng pagkalunod ang naitala sa Boracay kahapon ng hapon ika-6 ng Marso.

Una rito, ideniklarang dead on arrival o DOA ni Dra. Michelle Depakakibo ng Boracay Hospital ang isang 21-anyos na Chinese National na si Ye Win.

Ito ay makaraang nakitang nakalutang na sa tubig sa Diniwid Beach sa Boracay na pinaniniwalang nag-snorkeling.

Nang i-ahon na umano ito sa tubig ng dalawang turista naligo sa lugar bandang ala-una ng hapon ay wala na umanong malay ang biktima.

Bagamat naisugod pa ito sa pagamutan ng Boracay First Responder, pero hindi na na-revive pa ang bikitima.

Apat na oras din ang nakalipas matapos ang insidente, isang 21-anyos din na Canadian National ang nasagip ng mga Life Guards area ng Station 2 sa Boracay.

Sinasabing nasa impluwensiya ng alak biktimang si Emily Janairan nang lapatan ito ng paunang lunas ng Life Saver.

Agad ding naka-recover ang biktima matapos itong isugod sa Boracay Hospital.

Friday, January 04, 2013

2012 tourist arrival ng Boracay, umabot ng 1.2 milyon

Mahigit 1.2 milyong turista sa Boracay ang naitala ngayong nagdaang taon.

Kung saan, sobra-sobra na ito sa inaasahan para sa 2012 target tourist arrival sa Boracay.

Dahil kung isang milyon ang target para sa taon ng 2012, nalampasan na ito at sumobra pa.

Sapagkat umabot sa 1, 206,052 ang lahat ng turista na naitala hanggang nitong ika-31 ng Disyembre.

Mas mataas ngayong taon ang naitala ng 33% kung ikukumpara sa record noong pagtatapos ng taong 2011 na may kabuoang bilang na 908, 874 turista lamang.

Nabatid mula kay Malay Municipal Tourism Chief Operation Officer Felix Delos Santos na mga Koreans parin ang nangu-nguna sa listahan sa nasyonalidad ng pinakamaraming dumayo dito na umabot sa 156, 445.

Sinundan ito ng Taiwanese na umabot ng 92, 009 at ika-tatlo ang Chinese na 82, 358.

Habang ika-apat naman sa listahan ang lahi ng mga Kano na umabot sa bilang na 18, 283, segunda ang Russia, Australia, United Kingdom (UK), Hongkong, Germany at Japan.

Ang sampung nabanggit na bansa ang pangunahing naging bisita ng Boracay sa loob ng isang taon, sa taong 2012. #ecm012013

Monday, December 03, 2012

Naliligong Chinese National sa Boracay, nalunod matapos atakihin ng sakit sa puso, patay


Ni Malbert Dalida, News Director, YES! FM Boracay

Alas-9 ng umaga, iniwan ng biktima at ng kanyang asawa ang tinutuluyang resort.

Alas-9:30, dumating sila sa station 2 upang maligo sa beach.

Alas-10:30, isinugod na ang biktima sa isang klinika, kung saan din ito idineklarang dead on arrival.

Nakilala sa report ng Boracay PNP ang 27 anyos na biktimang si Ming Xiu ng Shanghai, China.

Nalunod umano kasi ito, habang naliligo doon.

Sinasabing buntis umano ang babae, dahilan upang mag-isa na lamang na naligo at nag-snorkling ang kanyang mister.

Nabahala umano ang asawa nito, nang kanyang mapansing hindi kumikilos ang lalaki doon sa tubig, matapos niya itong tawagin ng ilang beses.

Nagkataon namang may mga lifeguard na naroon, kung kaya’t kaagad nagpasaklolo ang asawa ng biktima.

Ayon naman sa lifeguard na si Jeffrey Tapel, kaagad nilang kinuha mula sa mahigit kumulang pitong metrong layo sa dalampasigan ang lalaki, binigyan ng pangunang lunas, at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Labis na pagdadalamhati naman ang naramdaman ng babae, makaraang idineklarang dead on arrival ni Dra. Larissa Yadao ang kanyang asawa.

Napag-alamang cardio respiratory arrest secondary to massive pulmonary congestion, secondary to drowning o atake sa puso ang ikinasawi ng nasabing Chinese national.

Wednesday, October 10, 2012

Isang milyong tourist arrival ng Boracay, maaabot na sa loob ng isang buwan

Inaasahang sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre ay maaabot na rin ang isang milyong target na tourist arrival ng Boracay.

Ito ay dahil simula noong Enero hanggang nitong katapusan ng Setyembre ay nakapagtala na ang Municipal Tourism Office ng Malay ng 932, 648 tourist arrivals.

Nasa 67,000 tourist arrivals na lang ang kulang sa ngayon o katumbas ng isang buwang record ng tourist arrival para maabot na ang target.

At sa bawat buwan, hindi bumababa sa 70,000 turista ang dumarating sa Boracay.

Kaya kapag matapos ang buwang ito na mapanatili ang record at trend ng statistic ng Tourist Arrival, siguradong maaabot na ito.

Samantala, nanatiling mga Koreans pa rin ang nanguna sa may pinakamaraming bilang ng turista sa isla, na sinundan naman ng mga Chinese at Taiwanese.  ecm102012