YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Boracay National High School. Show all posts
Showing posts with label Boracay National High School. Show all posts

Tuesday, March 05, 2013

Baho sa Boracay National High School, sa sariling drainage nagmumula --- Brgy. Balabag

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sariling drainage ng Boracay National High School sa Balabag ang problema.

Ito ang inihayag ni Emily Jinky Alecante, Administrator ng Brgy. Balabag, bilang sagot nito sa problema ngayon ng mga mag-aaral at mga guro sa nasabing paaralan.

Ito ay dahil sa umano ay sumasakit na ang ulo ng mga ito sa baho na dala ng tubig na pumapasok ng eskwelahan, galing sa hindi malamang pinagmulan.

Pero, minsan na rin umano itong pinasilip upang malaman kung ano ang suliranin at nakita na mismong nagmula aniya sa baradong drainage ng paaralan ang problema.

Kung maaalala, dati na umano itong tinanggalan na ng bara pero ang hindi nila alam ay kung bakit nagka-problema ulit.

Ayon kay Alecante, naaksiyunan na ng barangay ang problemang ito at bawat reklamo umano ng mga guro kaugnay dito ay agad nilang tinutugunan katuwang ang Boracay Island Water Company o BIWC para sa siphoning.

Subalit ang hindi umano malaman ngayon ng barangay kung bakit, sa halip na sa barangay humungi ng tulong para ma-aksiyunan ang problema ay sa media pa nagsumbong ang mga guro ng nasabing paaaralan.

Gayong inaaksiyunan naman nila ito, kahit pa wala manlang umanong salamat na natatanggap ang council mula sa eskuwelahan.

Ganoon paman, handa pa rin umano ang barangay na ipa-follow up sa council ang problemeng ito.

Kung maaalala, una nang sinabi ng mga guro ng paaralan na ilang beses na rin nilang naidulog sa LGU at BIWC ang problema na ito subalit wala naging tugon. 

Wednesday, October 24, 2012

Karagdagang silid aralan para sa Boracay, hihilingin ng SB sa DepEd

Karagdagang mga silid aralan para sa Boracay National High School (BNHS) sa Balabag, ang hiling ngayon ng Sangguniang Bayan Malay.

Kaya sinisimulan ng lutuin sa SB ang resolusyon na humihingi sa pamahalaang nasyonal na dagdagan ang kasalukuyang bilang ng silid aralan mayroon sa nasabing eskuwelahan, kung saan ay nasa 2nd reading na ito ng konseho.

Aminado kasi maging ang mga lokal na mambabatas na ito na kulang talaga sa silid aralan pati sa guro ang BNHS, kaya aapela na lamang umano ang SB sa Department of Education (DepEd).

Sa resolusyong kanilang ilalatag, hihilingin nila na kung maaari ay maglaan ng pondo ang DepEd para sa karagdagang silid aralan ng BNHS upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan dito.

Ito ay sa kabila na rin umano ng pagsisikap sana ng lokal na pamahalaan ng Malay na madagdagan ang mga silid-aralan dito.

Pero sa nakikita nila ngayon, hindi pa kakayanin ng pondo ng LGU Malay na magpagawa ng karagdagang silid-aralan.

Kung matatandaan, ang nasabing paaralan ay dumaranas ngayon ng problema.

Dahil maliban sa dumami ang mga estudyante, kapag umulan pa ay hindi rin nagagamit ang ilang classrooms doon.

Ito ay dahil pinapasok ito ng tubig-baha na hindi man lang humuhupa sa dampa, at ngayon ay nagsisilbing tirahan na rin ng isda. #ecm102012