YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label e-trike. Show all posts
Showing posts with label e-trike. Show all posts

Tuesday, March 05, 2013

“Aging” para sa mga lumang tricycle sa Boracay, final na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mayroong hanggang anim na buwan lamang ang mga lumang tricycle sa Boracay kapag pumasok na ang mga e-trike sa isla.

Ito ang final na napagkasunduan ng e-trike adhoc committee, kaugnay sa mga lumang unit sa Boracay lalo na ang hindi pasok sa “aging policy” na ginawa ng LGU Malay.

Kung saan ang lahat ng motor tricycle na nabili bago ang taong 2008 ay pahihintulutan pang ipasada, pero limitado lamang umano at hanggang anim na buwan ang itatagal sa isla.

Napag-alaman ito mula kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, na mayroong mahigit 100 unit ng tricycle sa isla ang hindi na umabot sa “aging” na ito batay sa record ng LGU.

Agad din umanong ipapatapon sa mainland ang mga lumang unit at isusubasta ng financer o dealer ng tricycle depende sa halaga ng unit para mapakinabangan pa ng operator.

Samantala, gayong sa ngayon ay pino-proseso na ang pagdating at pagpasok ng e-trike sa Boracay, aasahang baka buwan umano ng Hunyo ay pwede nang umpisahan ang implementasyon nito sa isla.

Saturday, February 16, 2013

E-trike, wala pang linaw kung kailan papasada sa Boracay


Kung nitong nagdaang taon ng 2012 ay masigasig at excited ang LGU Malay at BLTMPC dahil sa pagpasok ng e-trike sa Boracay, ngayong 2013 tila ang mga commuters naman ang nagsasawa na sa kakatanong kung nasaan na ang mga e-trike na ito na noong 2012 pa balak na umpisahang ipasada sa isla.

Ito ay kasunod ng sitwasyon na nararanasan ngayon sa Boracay na kinukulang na ang pampublikong sasakyan lalo na ngayong super peak season na, na tanging mga lokal na commuters o pasahero ang apektado dahil sa prayoridad ng mga tricycle driver ay ang mga turista.

Subalit gaya ng mga pasahero, maging ang LGU Malay at BLTMPC din ngayon ay nangangapa kung kailan ito mai-implenta sa isla.

Dahil sa panayam kay BLTMPC Board Of Director Enrique Gelito, maging sila sa kooperatiba ay hindi na alam kung kailan din ang eksaktong petsa na darating ang mga unit nila na para sa isla.

Pero sa pagkaka-alam umano nito ay nagpagawa na sila ng disenyo ng e-trike na akma para sa Boracay maliban pa sa tinaasan ang kapasidad ng unit para makaya ang mga matataas na lugar kumpara sa naunang nai-deliver sa kanilang nitong nagdaang taon.

Maging ang 100 unit na sasakyang de-kuryenteng ito ng LGU Malay ay hindi pa rin umano malalaman sa ngayon kung nasaan na at kailan darating sa Boracay ayon kay Sangguniang Bayan Member Wilbec Gelito, Committee Chairman ng Transportation.

Ito ay kahit na naglaan na umano ang LGU ng alokasyong P20-milyon bilang garantiya na natutuloy na ang implementasyon para mapalitan na ang mga tradisyunal na tricycle sa Boracay, lalo na at ang iba sa mga unit na ito ay sira-sira na rin.

Kung maaalala, taong 2011 pa sinimulang lutuin ang implementasyon ng e-trike at lalo nang uminit ang usapin na ito ng nagpahayag ang kooperatiba at maging ang LGU na bago magtapos ang 2012 ay masisimulan na itong ipatupad.

Pero hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin silang naghihintay, pati naang mga pasahero. #ecm022013

Friday, January 18, 2013

SB Malay, nakipagtawaran sa supplier ng e-trike


Tumawad ang Sanggunaiang Bayan ng Malay sa isang supplier ng e-trike sa Boracay na babaan ang halaga ng unit nila para ma afford naman mga operator.

Ito ang apela ng konseho sa pamunuan ng Gerweiss Motors na isa balak na maging supplier ng electric tricycle sa isla.

Sa sesyon nitong Martes, hiniling ito ng mga konsehal upang hindi umano mahirapan ang mga operator at hindi na rin magdalawang isip na palitan ang kanilang tradisyunal na tricycle.

Subalit ang tawaran na ito sa gitna ng supplier at LGU Malay ganoon din ng financer ay dapat na umanong mapag-usapan ng masinsinan kaya hindi muna nangako ang Gerweiss kaugnay sa hiling na ito ng konseho.

Kasunod nito ay hiniling naman ng supplier na kung papayagan ng SB na siyang taga bigay ng prangkisa sa mga tricycle sa Boracay, na kapag hindi na talaga makapagbayad ang operator sa obligasyon nito sa hulugan sa unit.

Kung pwede umano ay ang Gerweiss na mismo ang mag-o-operate ng unit.

Pero ang bagay na ito ay agad na binara ni SB Member Esel Flores, dahil sa tanging Boracaynon lamang umano ang pinapahintulutang magkaroon ng prangkisa maliban pa sa hindi na rin nagbibigay ng prangkisa ngayon ng SB. #ecm012013

Friday, November 23, 2012

E-trikes ng BLTMPC, handa nang lumarga

OK na ang lahat para sa paglarga ng electric tricycle o e-trike ng BLTMPC sa Boracay.

Katunayan ay naihanda na rin umano ang mga e-trike unit at ano mang araw ay pwede na itong i-release o ibigay na ng supplier sa kooperatiba.

Ito ang nabatid mula sa Boracay Land Transportation Multi-purpose Cooperative (BLTMPC) chairman Ryan Tubi.

Aniya, kamakailan lamang ay nagtungo ang mga ito sa Metro Manila para makita ang mga unit.

Lalo na at hiniling umano nila na palitan ang motor na gagamitin para sa Boracay na yaong akma naman para sa mga matataas na daan dito, hindi katulad umano sa nauna nang dinadala dito ng supplier.

Kung saan sa pagkakataong ito ay mas pwersado at ang desinyo ay bagay talaga dito sa isla.

Dahil sa nakatakdang ibigay na ang mga unit na ito sa BLTMPC para masimulan ng gamitin Boracay.

Sa darating na Lunes, ika-26 ng Nobyembre ay tutungo aniya dito ang supplier ng e-trike para sa gagawing inauguration sa ilalagay na Charging Station sa Boracay.

Subalit wala namang petsa na binangit si Tubi kung kaylan dadalhin sa isla ang mga unit. #ecm112012