YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label dead on arrival. Show all posts
Showing posts with label dead on arrival. Show all posts

Thursday, March 07, 2013

Dalawang turista, nalunod sa Boracay!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dalawang kaso ng pagkalunod ang naitala sa Boracay kahapon ng hapon ika-6 ng Marso.

Una rito, ideniklarang dead on arrival o DOA ni Dra. Michelle Depakakibo ng Boracay Hospital ang isang 21-anyos na Chinese National na si Ye Win.

Ito ay makaraang nakitang nakalutang na sa tubig sa Diniwid Beach sa Boracay na pinaniniwalang nag-snorkeling.

Nang i-ahon na umano ito sa tubig ng dalawang turista naligo sa lugar bandang ala-una ng hapon ay wala na umanong malay ang biktima.

Bagamat naisugod pa ito sa pagamutan ng Boracay First Responder, pero hindi na na-revive pa ang bikitima.

Apat na oras din ang nakalipas matapos ang insidente, isang 21-anyos din na Canadian National ang nasagip ng mga Life Guards area ng Station 2 sa Boracay.

Sinasabing nasa impluwensiya ng alak biktimang si Emily Janairan nang lapatan ito ng paunang lunas ng Life Saver.

Agad ding naka-recover ang biktima matapos itong isugod sa Boracay Hospital.

Tuesday, March 05, 2013

Mini truck at motorsiklo, nagbanggan sa Nabas, Aklan; dalawa, patay!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kapwa binawian ng buhay ang dalawang motorcycle rider makaraang mabangga ito ng mini truck o ELF, Lunes ng tanghali sa Brgy. Gibong, Nabas, Aklan.

Habang ang driver naman ng truck na Ruel De Jesus ng Bugtong Bato Ibajay, ay kritikal sa ngayon at nananatiling ginagamot sa Intensive Care Unit o ICU ng Provincial Hospital, ayon kay SP04 Zacharias Rose ng Nabas PNP.

Kinilala naman ang dalawang biktima na agad ding binawian ng buhay na sina Jessie Solanoy ang driver ng motorsiklo at tubo ng Baybay Nabas, na di umano ay ideniklarang “dead on arrival” habang dinadala ito sa Ibajay District Hospital.

Habang ang back rider naman nitong si William Solanoy, ay binawian din ng buhay habang dinadala sa pagamutan sa bayan ng Kalibo.

Sa imbestigayon ng pulisya, di umano ay nawalan ng control ang mini truck kaya gumewang-gewang ito at inokupahan ang lane na para na sana sa kasalubong na motorsiklo, rason para magbanggan ang mga ito.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima, at dala ng insidente ay nahati pa di umano ang motorsiklo.

Saturday, February 23, 2013

Spokesperson ng Ati Community sa Boracay, pinagbabaril kagabi, patay

 Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nagluluksa ngayon ang buong Ati Community sa Boracay, dahil sa pagkakapatay sa kanilang 26-anyos na Spokesperson na si Dexter Condez.

Sa imbestigayon ng Boracay Pulis, nangyari ang pagpatay habang naglalakad ito sa kalsada kasama ang dalawa babae na kapwa katutubong Ati din pauwi sa kanilang Village Sitio Lugutan Manoc-manoc mula sa isang pulong, kagabi.

Kung saan, napansin agad naman agad umano ng mga kasama ng biktima na may sumusunod na isang lalaki sa kanila.

At nang ilang metro na lamang ang layo sa kanilang Village, sa madilim na bahagi kalsada doon pinagbabaril ito ng suspek, na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikilala.

Nagtamo ang biktima ng hindi pa mabilang na tama ng baril sa katawan, na siyang sanhi ng ikinamatay nito.

Kagabi ng bandang 8:45 nang mangyari ang pamamaril, agad pa sana itong isinugod sa Boracay Hospital, subalit idineklara itong Dead on Arrival/DOA.

Kinordon naman agad ng SOCO ang Crime Scene, para sa masinsinang imbetigasyon.

Habang ang labi naman ng biktima ay isasailalim sa post mortem investigation.

Samantala, naka-recover naman ang 6 na cartrage ng 9mm na baril sa lugar ng pinagyarihan.

Sa ngayon ay patuloy namang ina-alam ng Boracay Pulis sa pangu-nguna ni S/Insp.  Jeoffer Cabural ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo ng pagpatay.

 Naniniwala naman si Rev. Fr. Arnold Crisostomo, Kura Paruko ng Holy Parish Church sa Boracay, na posibleng awayan sa lupa ang motibo ng pamamaslang.

Kung maaalala, si Condez ay tumatayo ding guro ng mga kabataang katutong Ati, event coordinator kapag mayroong mga aktibidad, at siyang din isa sa tumatayong representante ng Ati Community, lalo na sa mga isyu may kaugnayan sa agawan lupa na siyang kinatitirikan ng kanilang kumunidad sa ngayon. 

Wednesday, December 19, 2012

Amerikano, natagpuang patay sa kwarto ng resort


Isang malamig na bangkay na ng makita sa kwarto ng resort na nirentahan ang isang American National bandang ng 7:30, gabi ng Lunes.

Ito ay makaraang magulantang ang mga staff ng nasabing reorts gayon din ang may-ari ng nasabing establishimiyento sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag.

Agad namang kinordon ng mga taga-Boracay Crime Laboratory at Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang area para sa kanilang imbestigasyon.

Sa pang-uungusisa ng awtoridad, kinilala ang nasabing American National na si Fred Harvey Lubin, 60-anyos na may address na New Jersey, USA.

Nang datnan umano ito ng mga staff, may-ari ng resort at pulisya, naka-tihaya o nakahiga sa kama ang Kano.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tila wala din silang palatandaang nilooban ang kwarto ng nasabing foreigner, dahil ang wala ding palatandaang pinuwersang buksan ang kwarto o kaya ay bintana ng kwarto nito.

Maging ang mga gamit umano gaya ng mga alahas, pera, gamot at ilan nitong dokumento at maaayos at naroroon naman.

Bagamat dinala sa Boracay hospital si Lubin, dineklara pa rin itong dead on arrival o DOA ni Dra. Mishelle Depakakibo.

Ginawan ng pulisya ang pagsisisyasat na ito sa kuwarto ng Amerikano sa harap ni OIC Boracay DoT Officer Tim Ticar. #ecm122012

Monday, December 03, 2012

Naliligong Chinese National sa Boracay, nalunod matapos atakihin ng sakit sa puso, patay


Ni Malbert Dalida, News Director, YES! FM Boracay

Alas-9 ng umaga, iniwan ng biktima at ng kanyang asawa ang tinutuluyang resort.

Alas-9:30, dumating sila sa station 2 upang maligo sa beach.

Alas-10:30, isinugod na ang biktima sa isang klinika, kung saan din ito idineklarang dead on arrival.

Nakilala sa report ng Boracay PNP ang 27 anyos na biktimang si Ming Xiu ng Shanghai, China.

Nalunod umano kasi ito, habang naliligo doon.

Sinasabing buntis umano ang babae, dahilan upang mag-isa na lamang na naligo at nag-snorkling ang kanyang mister.

Nabahala umano ang asawa nito, nang kanyang mapansing hindi kumikilos ang lalaki doon sa tubig, matapos niya itong tawagin ng ilang beses.

Nagkataon namang may mga lifeguard na naroon, kung kaya’t kaagad nagpasaklolo ang asawa ng biktima.

Ayon naman sa lifeguard na si Jeffrey Tapel, kaagad nilang kinuha mula sa mahigit kumulang pitong metrong layo sa dalampasigan ang lalaki, binigyan ng pangunang lunas, at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Labis na pagdadalamhati naman ang naramdaman ng babae, makaraang idineklarang dead on arrival ni Dra. Larissa Yadao ang kanyang asawa.

Napag-alamang cardio respiratory arrest secondary to massive pulmonary congestion, secondary to drowning o atake sa puso ang ikinasawi ng nasabing Chinese national.