YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Clint Benedict Ricamonte. Show all posts
Showing posts with label Clint Benedict Ricamonte. Show all posts

Friday, March 08, 2013

Suspek na nanluko at nagpakikilalang taga-bangko sa Boracay, pinalaya na lang

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa wala namang intresadong magsampa ng kaso mula sa mga biktima ng panloloko, kahapon ng tanghali ay pinakawalan na lamang ng Pulis Boracay ang suspek na si Clint Benedict Ricamonte na taga-Kalibo.

Ito ay makaraang ireklamo ng panloloko ng mga nabiktima nito na umano ay nagpapakilala na empleyado ng isang bangko at nanghingi ng halaga o pera para sa pag-opened ng ATM account.

Subalit ng iberipika sa bangko ay hindi pala ito konektado.

Maliban dito, may isang nagreklamo din nitong umaga na nakunan din umano ng pera ng suspek.

Maging ang bangko na ginamit ng suspek sa panloloko ay nagpa-abot din ng reklamo.

Subalit dahil sa wala namang nag-sampa ng kaso sa mga nagreklamo, wala na umanong magagawa ang Pulisya kundi ang pakawalan na lamang.

Sapagkat na-abot na ang regulamentary period sa pagkaka-detine sa suspek.