YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Ye Win. Show all posts
Showing posts with label Ye Win. Show all posts

Friday, March 08, 2013

Coverage ng Life Guard Boracay palalawakin na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Simula ngayong araw ay balak nang palawakin ng Life Guard Boracay ang kanilang pagpatrolya upang mabantayan ang beach ng isla.

Ito ay upang masigurong ligtas ang mga naliligo lalo pa ngayong malapit na ang summer season.

Ayon kay Boracay Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao, batid na rin nila ang pangyayari noong ika-6 ng Marso sa Sitio Diniwid kung saan isang Chinese na turistang babae ang nalunod.

Dahil dito, isasama na rin umano nila ang Sitio Diniwid sa babantayan ng mga Life Saver.

Habang ang Puka Beach, ayon dito, may mga Barangay Tanod na rin aniya na nagbabantay para  maging ligtas din ang paliligo doon.

Sinabi din ni Labatiao na malaki rin umano ang maitutulong ng mga security guard upang mabantayan din ang kanilang area lalo na ang kaligtasan ng mga naliligo.

Thursday, March 07, 2013

Dalawang turista, nalunod sa Boracay!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dalawang kaso ng pagkalunod ang naitala sa Boracay kahapon ng hapon ika-6 ng Marso.

Una rito, ideniklarang dead on arrival o DOA ni Dra. Michelle Depakakibo ng Boracay Hospital ang isang 21-anyos na Chinese National na si Ye Win.

Ito ay makaraang nakitang nakalutang na sa tubig sa Diniwid Beach sa Boracay na pinaniniwalang nag-snorkeling.

Nang i-ahon na umano ito sa tubig ng dalawang turista naligo sa lugar bandang ala-una ng hapon ay wala na umanong malay ang biktima.

Bagamat naisugod pa ito sa pagamutan ng Boracay First Responder, pero hindi na na-revive pa ang bikitima.

Apat na oras din ang nakalipas matapos ang insidente, isang 21-anyos din na Canadian National ang nasagip ng mga Life Guards area ng Station 2 sa Boracay.

Sinasabing nasa impluwensiya ng alak biktimang si Emily Janairan nang lapatan ito ng paunang lunas ng Life Saver.

Agad ding naka-recover ang biktima matapos itong isugod sa Boracay Hospital.