YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 10, 2012

Problema sa baha sa Boracay, paisa-isa nang inaaksiyunan


Hindi naman umano aabutin ng tatlongpung araw ang ginagawang konstraksiyon ng Malay Engineering sa Barangay Manoc-manoc para lubusan nang masolusyunan ang baha na nararansan sa lugar na ito.

Ito ang sinabi ni Engr. Elizer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay sa isang panayam dito, kung saan may isang linggo na umano nilang nasimulan ang konstraksiyon dito.

Aniya, nagsimula na silang maghukay sa area, dahil maglagay sila ng lagusan ng tubig mula Faith Village papuntang Lugutan at ang tubo ay idadaan nila sa drainage.

Matatandaang ilang beses na ring binatikos sa SB Malay ang sitwasyon sa area na ito at ilang beses na ring inireklamo, maging hanggang sa ngayon, dahil sa madalas itong binabaha at hindi nauubusan ng tubig kahit walang ulan.

Samantala, sa kabilang banda naman, sinabi ni Island Administrator Glenn SacapaƱo na ang pagbaha sa kanto ng Tolubhan at Angol sa Manoc-manoc ay nabigay na siya ng utos para lagyan ng lagusan pababa ang tubig dito.

Anya, ang tubig na nagmumula at naiipon sa kalsada dito ay ulan lang naman at hindi ganoon kadumi, kaysa maipon pa aniya sa kalsada at maimbak lang doon na panagit naman para sa mga motorista.

Naniniwala si SacapaƱo na masinsinang paliwanag ang kailangan sa mga naroroon para pumayag na lagyan ng lagusan ang tubig papuntang Angol. | ecm092012

No comments:

Post a Comment