YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 12, 2012

LGU Malay sa provincial gov’t: 15% share sa environmental fee, nasaan na?


Tila hinahanap na ngayon ng Sangguning Bayan ng Malay sa pamahalaang probinsiyal kung saan napunta ang 15% na binibigay ng LGU Malay sa probinsiya mula sa nakokolektang environmental fee sa mga turista sa Boracay.

 Ito ang laman ng privilege speech ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre sa sisyon ng konseho kahapon kung saan nagrekomenda ito sa kapwa konsehal na magpadala ng sulat sa pamahalaang probinsiyal.

Layunin nitong hilingin na bigyan ang Malay ng kopya ng mga proyektong pinag-gamitan ng 15% share nila mula sa koleksiyon ng environmental fee.

Sapagkat sa pagkaka-alam umano nito, sa ordinansa kung saan nakasaad ang hatian ng probinsiya at LGU Malay sa environmental fee ay nalatag doon na dapat ang share nila ay gagamitin din sa mga proyektong pangkapaligiran at dapat ay sa Boracay din ito ibalik dahil kapag hindi umano ito sinunod ng probinsiya, malinaw na paglabag ito sa ordinansa.

Maliban dito, inatasan din ni Aguirre ang kalihim ng SB na magpadala ng opisyal na komunikasyon para itanong sa Treasury ng Malay kung magkano na lahat ang nai-remit nila sa probinsiya simula ng umpisahan noong taong 2006 ang pangungulekta ng environmental fee. | ecm092012

3 comments:

  1. kahit ba lumabas ka ng boracay may enviromental fee pa rin ba?

    ReplyDelete
  2. Hindi naman po. 'Yung mga pumapasok lang sa Boracay na mga turista, mga hindi Boracaynon and mga hindi nagtatrabaho sa isla ang nagbabayad ng environmental and terminal fee.

    ReplyDelete
  3. 'Yung mga Aklanon, wala din pong babayarang environmental fee. So ibig sabihin, kahit saang bayan ka man sa Aklan nagmula, hindi mo kailangan magbayad ng environmental fee. Ipakita n'yo lang po na may ID kayo na nagpapatunay na kayo ay Aklanon.

    ReplyDelete