Ayon kay Almarie Vallejo, school principal ng nasabing
paaralan, sa ngayon ay ang Engineer ng DepEd ang umaasikaso ng mga permit para
sa matuloy ang pagtatayo ng gusali ng hostel.
Ito ay makaraang ipatigil ng LGU Malay ang konstraksiyon
dahil sa wala umanong kaukulang permiso mula sa munisipyo.
Gayon pa man, sinabi nitong ang DepEd ay nakipag-usap na rin
sa LGU, lalo sa isyu kaugnay sa lupang pagtitirikan ng istraktura, dahil isa
ang mga ito sa dahilan kung bakit naantala ang konstraksiyon sapagkat hindi ito
pinayagan.
Kung maaalala, ang may-ari ng lupa ang isa sa tumututol sa
proyektong ito, dahil ang nais lamang nilang itayo dito ay mga silid aralan
lamang at ibang usapin na umano ang tungkol sa hostel. | ecm092012
No comments:
Post a Comment