Ito ang inihayag ni Boracay CENRO Officer Merza Samillano, at
katunayan ay nakatanggap na rin umano siya ng komunikasyon mula sa Environmental
Management Bureau (EMB) Regional Office partikular na mula kay Atty. Jonathan
Bulos na hihilingin na rin nila sa kalihim ng nasabing ahensiya ang pagbawi sa moratorium
na ito.
Ang nasabing hakbangin ng EMB Regional Office ay katulad din
plano ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Nabatid din mula kay Samillano na taong 1997 pa sinuspende
ng DENR ang pag-isyu ng ECC sa Boracay.
Sinundan din umano ito ng Memorandum Order mula sa EMB nitong
nakalipas na taon ng 2011 na pinasususpende din ang issuance of ECC sa Boracay
dahil sa na-pending din ang pag-apruba sa Cadastral Survey sa isla.
Kung maaalala, nais na rin magpasa ng resolusyon ng SB Malay
para hilingin ang pagbawi sa moratorium na ito upang mabigyang pagkakataon ang mga
investor na nais pumasok sa Boracay. | emc092012
No comments:
Post a Comment