Hindi naman umano aabutin ng tatlongpung araw ang ginagawang
konstraksiyon ng Malay Engineering sa Barangay Manoc-manoc para lubusan nang
masolusyunan ang baha na nararansan sa lugar na ito.
Ito ang sinabi ni Engr. Elizer Casidsid, Municipal Engineer
ng Malay sa isang panayam dito, kung saan may isang linggo na umano nilang
nasimulan ang konstraksiyon dito.
Aniya, nagsimula na silang maghukay sa area, dahil maglagay
sila ng lagusan ng tubig mula Faith Village papuntang Lugutan at ang tubo ay
idadaan nila sa drainage.
Matatandaang ilang beses na ring binatikos sa SB Malay ang
sitwasyon sa area na ito at ilang beses na ring inireklamo, maging hanggang sa
ngayon, dahil sa madalas itong binabaha at hindi nauubusan ng tubig kahit
walang ulan.
Samantala, sa kabilang banda naman, sinabi ni Island
Administrator Glenn SacapaƱo na ang pagbaha sa kanto ng Tolubhan at Angol sa
Manoc-manoc ay nabigay na siya ng utos para lagyan ng lagusan pababa ang tubig
dito.
Anya, ang tubig na nagmumula at naiipon sa kalsada dito ay
ulan lang naman at hindi ganoon kadumi, kaysa maipon pa aniya sa kalsada at
maimbak lang doon na panagit naman para sa mga motorista.
Naniniwala si SacapaƱo na masinsinang paliwanag ang
kailangan sa mga naroroon para pumayag na lagyan ng lagusan ang tubig papuntang
Angol. | ecm092012
No comments:
Post a Comment