YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 10, 2012

Mga gusali huling itinayo sa Boracay, walang ECC!

Aminado si Island Administrator Glenn SacapaƱo na mayroon ngang permit mula sa lokal na pamahalaan ng Malay ang mga gusali sa isla ng Boracay na nitong huli lang tinayo.

Pero  sinabi nito na ang ilan dito ay walang Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil taong 2006 o 2007 sa panahon pa di umano ni Bibeth Gozon nang ito pa ang kalihim ng DENR ay itinigil na nila ang pag-isyu ng ECC sa Boracay.

Kaya ang ginagawa umano sa isla, gumagamit na lamang ng Certificate of Non-Coverage (CNC) ang mga nagtatayo ng gusali lalo na kung mga maliliit na establishimiyento lamang ang mga ito.

Pero ayon sa island administrator, mahalaga pa rin para sa isla ang ECC dahil sa dito nakasaad ang mga kondisyon na dapat tuparin ng nagpapatayo ng gusali para maprotektahan ang kapaligiran.

Kung maaalala, ang tanggapan ng punong ehekutibo ng Malay ay humiling sa Sangguniang Bayan na magpasa ng resolusyon na humihiling sa DENR na bawiin na ang moratorium para sa pag-isyu ng ECC sa isla, upang mabigyan daan ang malalaking investor na nais pumasok sa Boracay.|ecm092012

No comments:

Post a Comment