Pero sinabi nito na
ang ilan dito ay walang Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa
Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil taong 2006 o 2007
sa panahon pa di umano ni Bibeth Gozon nang ito pa ang kalihim ng DENR ay
itinigil na nila ang pag-isyu ng ECC sa Boracay.
Kaya ang ginagawa umano sa isla, gumagamit na lamang ng
Certificate of Non-Coverage (CNC) ang mga nagtatayo ng gusali lalo na kung mga
maliliit na establishimiyento lamang ang mga ito.
Pero ayon sa island administrator, mahalaga pa rin para sa
isla ang ECC dahil sa dito nakasaad ang mga kondisyon na dapat tuparin ng
nagpapatayo ng gusali para maprotektahan ang kapaligiran.
Kung maaalala, ang tanggapan ng punong ehekutibo ng Malay ay
humiling sa Sangguniang Bayan na magpasa ng resolusyon na humihiling sa DENR na
bawiin na ang moratorium para sa pag-isyu ng ECC sa isla, upang mabigyan daan
ang malalaking investor na nais pumasok sa Boracay.|ecm092012
No comments:
Post a Comment