Tila hinahanap na ngayon ng Sangguning Bayan ng Malay sa
pamahalaang probinsiyal kung saan napunta ang 15% na binibigay ng LGU Malay sa
probinsiya mula sa nakokolektang environmental fee sa mga turista sa Boracay.
Ito ang laman ng
privilege speech ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre sa sisyon ng konseho
kahapon kung saan nagrekomenda ito sa kapwa konsehal na magpadala ng sulat sa
pamahalaang probinsiyal.
Layunin nitong hilingin na bigyan ang Malay ng kopya ng mga
proyektong pinag-gamitan ng 15% share nila mula sa koleksiyon ng environmental
fee.
Sapagkat sa pagkaka-alam umano nito, sa ordinansa kung saan
nakasaad ang hatian ng probinsiya at LGU Malay sa environmental fee ay nalatag
doon na dapat ang share nila ay gagamitin din sa mga proyektong pangkapaligiran
at dapat ay sa Boracay din ito ibalik dahil kapag hindi umano ito sinunod ng
probinsiya, malinaw na paglabag ito sa ordinansa.
kahit ba lumabas ka ng boracay may enviromental fee pa rin ba?
ReplyDeleteHindi naman po. 'Yung mga pumapasok lang sa Boracay na mga turista, mga hindi Boracaynon and mga hindi nagtatrabaho sa isla ang nagbabayad ng environmental and terminal fee.
ReplyDelete'Yung mga Aklanon, wala din pong babayarang environmental fee. So ibig sabihin, kahit saang bayan ka man sa Aklan nagmula, hindi mo kailangan magbayad ng environmental fee. Ipakita n'yo lang po na may ID kayo na nagpapatunay na kayo ay Aklanon.
ReplyDelete