Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kulang ang espasyo sa Tambisaan Port.
Ito ang tinuran ni Sangguniang Bayan Member Wilbec Gelito
kaugnay sa obserbasyon nito sa pantalan ng Tambisaan partikular sa daungan ng
bangka pati na rin sa parking space ng mga sasakyan.
Aniya, napansin nito na walang kaukulang loading at
unloading area sa lugar na ito kaya nagsisiksikan at tila walang diresksiyon
ang mga sasakyan pati na din ang mga bangka doon kaya kahit saan ay sumisinggit
na lang.
Maliban dito, nakita din aniya nito na wala din halos miyembro
ng Malay Auxiliary Police (MAP) sa naturang lugar upang umalalay sa daloy ng
trapiko.
Bunsod nito, nagrekomenda si Gelito na kung maaari ay paunlarin
din ang Tambisaan port na ito upang maging kanais-nais din maaayos para sa mga
dumadaang turista.
No comments:
Post a Comment