Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Target ng Kapulisan sa Aklan na gawing “gun-free” ang
Boracay dahil sa Tourist area ito, pero tila mahirap gawin.
Ayon kay Police Senior Superintendent Cornelio Defensor,
Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office (APPO), hangga’t hindi pa
nare-refill ang batas kaugnay sa pagdadala at pag-iingat ng baril na ma-exempt
ang Boracay lalo na kung lisensiyado at pag-aari ito ng security agency, hindi
rin aniya mabawalan ang sinumang magdala ng baril papasok ng Boracay sa kabila
ng kampaniya ng awtoridad na maging gun free ang isla.
Dagdag pa nito, hangga’t patuloy pa rin ang pagbibigay ng
lisensiya at permit to carry ay hindi umano maaaring ipagbawal ang pagdadala at
papasok ng isla.
Gayon pa man, sinabi ng Provincial Director na ginagawa pa rin
nila ang lahat upang maging “gun-free” ang tourism area na ito.
Ang pahayag na ito ay sinabi ni Defensor sa panayam nitong umaga,
kasunod ng sunod-sunod na kasong naitala dito sa Boracay gaya ng indiscrinate
firing nitong nakalipas na linggo, reklamo sa ligaw na bala at pangha-harass ng
security guard sa kapwa guardiya gamit ang baril.
No comments:
Post a Comment