YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 26, 2012

“6-6” na schedule color coding scheme, hiniling na gawing “7-7”


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hiniling ngayon sa Sangguniang Bayan ng Malay na kung maaari ay palitan ang oras ng Color Coding Scheme sa Boracay.

Ginawa ito ni SB Member Rowen Agguire sa sesyon nitong umaga matapos makita aniya nito at batay sa obserbasyon na kapag alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi ang schedule ng color coding sa mga tricycle, marami na ang bumibiyaheng tricycle pag-dating ng alas-sais ng gabi gayong rush hour pa lang ito kaya masikip pa rin ang kalye.

Bunsod nito, humirit si Agguire na gawin na lang itong alas-siyete ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi para mabigyang solusyon ang trapik sa kalye sa oras na alas-sais.

Samantala, muli din nitong isinulong ang pagnanais nito na naipatupad na rin ang number coding sa lahat ng sasakyang pribado sa isla.

Subalit ang mga delivery truck aniya ay hindi na kasama dito dahil posibleng maapektuhan ang komersiyo ng isla at may ordinansa na umano na nagreregulate sa katulad na sasaklayan o mga haulers. 

No comments:

Post a Comment