Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Natutuwa na sana ang Aklan Pulis dahil naging positibo at matagumpay
ang isinagawang buy bust operation ng Provincial Intelligence Investigation
Branch (PIIB) at Kalibo Police laban sa isang babaeng tulak droga na kinilala
bilang si Ethel Ann Pabiosa ng Balintawak, Escalante, Negros Occidental kahapon
ng alas-5 ng hapon sa bayan ng Kalibo.
Subalit hindi akalain ng otoridad na sa gagawin nilang
follow up operation ay kapwa pulis din pala ang kanilang madadatnan nang
tukuyon ito ni Pabiosa na ka-text dnito at diumano ay isa din sa mga dealer ng
pinaghihinalaang shabu.
Ito ay matapos makuha mula sa bulsa ng pinaghihinalaang
suspek ang isang sachet ng suspected shabu pati na rin ang marked money sa isinagawang
operasyon sa isang bus terminal kagabi matapos na magkasundo ang mga ito na
doon magkikita.
Nagbigay ng daan upang mahulog sa kamay ng awtoridad ang pulis
na kinilalang si PO2 Edcel Tan, tubong Iloilo, at naka-duty sa Aklan Provincial
Public Safety Management Company (APPSMC), ang kanyang cell phone na nakuha
mula sa unang nahuling suspek na si Pabiosa.
Napag-alaman ding si Tan ay may isang buwan pa lamang sa
APPSMC mula Alatvas Police Station, pero bago ito ma-assign sa Aklan ay doon
din ito nagmula sa siyudad ng Iloilo.
No comments:
Post a Comment