Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bawat talaga sa isla ng Boracay ma gamitin pamasada ang mga
single na motorsiklo para magsilbing pampublikong sasakyan ayon kay Malay
Transportation Officer Cezar Oczon.
Sapagkat aniya, ang operasyon ng mga motorsiklo na ito
bilang pampublikong transportasyon ay bawal ayon sa nasayonal na batas at
maging sa bayang ito ay may ordinansa din.
Paliwanag nito, ang mga habal-habal o motorsiklong ito ay
hindi din pwedeng bigyan ng prangkisa katulad ng sa mga tricycle upang maging
legal ang kanilang operasyon.
Kaugnay nito, itinuro ni Oczon ang pagsagot sa katulad na tanong
sa Land Transportation Office (LTO) na siyang bihasa umano sa usaping ito.
Ganoon pa man, nilinaw nito na iba naman ang sitwasyon ng
habal-habal sa “motorbikes for rent” na legal naman umano, dahil sa ginagamit
ito pero hindi naman sa pamamasada.
Samantala, marami naman ngayon ang dumidepensa mula sa mga
pasahero sa operasyon ng habal-habal sa Boracay kahit na bawal ito.
Ito ay dahil para sa mga ito ay malaki ang maitutulong sa
publiko lalo na sa gabi, dahil sa minsan ay namimili ng pasahero ang tricycle
kaya in demand ang mga motorsiklo.
Sinabi ni Oczon na imposibleng mangyari na magiging legal
ang operasyon ng habal-habal na ito sa Boracay kahit pa sabihing malaki ang
maitutulong ng sasakyang ito sa mga pasahero.
No comments:
Post a Comment