YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 29, 2012

DTI-Aklan, nagbabala sa paniningil ng surcharges sa credit card holder


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) – Aklan sa mga bangko na naniningil ng surcharges sa mga credit card holder sa probinsiya at sa Boracay na iwasan na ang gawaing ito.

Ayon kay Dina Ruiz ng DTI-Aklan, ang pagpatong ng surcharges sa bawat item na nabibili ng mga cardholder ay mahigpit na ipinagbabawal dahil mado-doble na umano ang singil ng charges.

At kapag hindi nila ito nabayaran sa takdang oras ay sinisingil din ang mga ito ng interest.

Ang pahayag na ito ni Ruiz ay may kaugnayan sa ilang mga establishemento na hindi umano alam ang katulad na batas, at may ibang mga center-facilitated credit card na ipinapasa sa consumer ang surcharges.

Ipinaabot din ni Ruiz na handa na ang DTI na tumanggap ng anumang reklamo na may kaugnayan sa katulad na problema.  

No comments:

Post a Comment