Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nananatiling nasa normal pa rin ang biyahe ng mga bangkang
papunta Boracay sa ruta pa rin nitong Caticlan Cagban Jetty Port sa kabila ng
bagyong umiiral sa silangan bahagi ng Pilipinas.
Sa panayam kay PO2 Condrito Alvares ng Coast Guard Caticlan,
dahil sa wala naman umanong ibinababang signal warning ng bagyo sa Aklan,
pinapaihintulutan pa rin ng ahensiya na makapag-layag ang mga bangka dito.
Gayon din ang mga barkong pang-RORO na dumadaong at umaalis
sa pangtalan ng Caticlan Jetty Port.
Ayon pa dito, wala rin umanong signal warning sa point of
origin ng mga sasakyang pandagat na ito, lalo pa at nanatiling katamtaman
lamang ang pag-galaw ng karagatang binabaybay maging dito din papuntang
Boracay.
No comments:
Post a Comment