Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nakakabit na sa pangalan ng Boracay ang traffic at dami ng
sasakyan sa isla, kung saan sa liit ng Boracay, sino ang mag-aakala na umabot
na sa mahigit 2,500 ang sasakyan na naririto.
Ito ang nabatid mula sa kay Cezar Oczon, Municipal Transportation
Officer ng Malay, kung saan inihayag nito na umabot na nga sa nasabing bilang
ang lahat ng sasakyan sa isla na siyang naitala umano ng kanilang tanggapan
hanggang sa kasalukuyan.
Napag-alaman mula kay Oczon na ang motorsiklo ang pinakamarami
sa naitala nila at nabigyan ng permit to transport at umabot ito sa 1,640.
Ang pribadong sasakyan naman na pag-aari ng mga resort at
iba pang mga establishimiyento ay umabot na umano sa 356, at tricycle na
nabigyan ng prangkisa ay 512 lamang.
Kasunod ng naitalang bilang na ito ay nagbaba di umano ang lokal
na pamahalaan ng Malay ng dalawang Moratorium batay sa kautusan ng Punong
Ehikutibo na kinabibilangan ng Moratorium sa pagpasok ng lahat ng uri ng
sasakyan sa isla gayong ding ang pagpapatupad ng color coding sa lahat ng uri
ng sasakyan para lumuwag ang kalsada at mabawasan ang pulosyon.
Matatandaang ngayon buwan ng Mayo ay nagbaba ng dalawang kautusan
ang Alkalde na may kaugnayan sa estado at sistema ng transportasyon.
No comments:
Post a Comment