Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nakikinita ngayon ni Aklan Representative Florencio “Joeben”
Miraflores na makakahabol sa 2013 midterm election ang pinasa nitong House Bill
(HB) No. 2499 na naglalayong mahati sa dalawang distrito ang probinsiyang ito.
Sa isang panayam, sinabi ni Miraflores na posibleng sa buwan
ng Agosto o Setyembre ng taong ito ay pormal nang maipapasa at maa-aprubahan
ang batas na ito.
Kaya sa 2013 election maaaring dalawa na ang mananalong
kongresista na siyang manunumo sa dalawang distrito ng Aklan kapag nagkataon.
Katunayan ayon dito, nitong nagdaang lingo ay inaprobahan na
ang HB na ito sa Senate Committee na pinangunahan ni Senator Bongbong Marcos,
at miyembrong sina Sen. Gringo Honasan at Sen. Franklin Drilon.
Samatala, sa bahagi ng probinsya ng Aklan, siya umano at si Gov.
Carlito Marquez ang dumalo sa pagdinig.
Kaugnay nito, umaasa ang kongresista na hindi na magtatagal
ay maaprobahan na ito, lalo pa at nalagdaan na rin ito ng mga miyembro ng
committee kaya hindi na rin aniya magkaroon ng mahaba-habang debate ang senado
gayong local bill lang din ito.
No comments:
Post a Comment