Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kung mailap man ang Chinese Tourist sa Pilipinas dahil sa
isyu kaugnay sa Scarborough Shoal, may ibang target market na rin umano ngayon
ang Department of Tourism (DoT) at ang Committee on Tourism sa kapulungan ng
kongreso.
Ayon kay Aklan Representative Florencio Joeben Miraflores, Chairman
ng Committee on Tourism ng kongreso, target market nila ngayon ay ang bansang
Russia.
Katunayan, ayon dito, siya at ang DoT Officer ay pupunta ng
Russia sa susunod na buwan para buksan ang market ng turismo sa bansa ito.
Kung saan, umaaasa si Miraflores na mapagtatagumpayan nila
na makitaan ng posibilidad na magkaroon ng madaling transportasyon nag mga
turista sa bansang ito papuntang Boracay.
Ito ay kasunod na rin ani ng kongresista ng pagpahayag ng
isang airline company na magdadagdag sila ng flight at mga eroplamo mula Korea
papunta Kalibo International Airport vice versa.
Isa sa kinukonsidera at balak nila ngayon na magkaroon ng
connecting flight mula Russia particular sa Vladivostok papuntang Korea at mula
naman sa Korea papunta na ng Kalibo.
Malaki ang paniniwala nito mabubuksan nila ang Russian
Market sa pagtungo nila doon.
Dagdag pa nito, kung iisipin, mas mainam di umanong turista
ang mga Russian dahil sa long staying ang mga ito kapag nasa isla at galante
kapag gumastos para sa iba’t ibang aktibidad.
Samantala, sa kabila ng pagkasela ng ilang Chinese Tour
Package sa Boracay, sinabi naman ng kongresista na hindi naapektuhan ang
arrival ng Taiwanese tourist sa Boracay.
Nilinaw din nito na nananatiling Korea pa rin ang nagunguna
at dumodomina sa tourist arrival ng isla sa ngayon.
No comments:
Post a Comment