Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Epektibo na ngayon araw ang pagpapatupad ng P12.00 na dagdag
sahod sa mga empleyado dito sa probinsiya ng Aklan, kasama ang isla ng Bopracay
at maging sa buong Region 6.
Ito ang kinumpirma ni Vidiolo Salvacion, OIC Provincial Head
ng Department of Labor and Employment o DOLE-Aklan sa panayam dito nitong
umaga.
Aniya, simula ngayong araw, ang minimum rate sa sahod bawat
araw ng isang empleyado ay magiging P277.00 na mula sa dating tinatanggap nilang P265.00.
Ito ay para sa mga empleyado na nagtatrabaho sa isang establishimiyento
na hindi bumababa sa sampu ang tauhan.
Bagamat parehong P12.00 din ang umento sa sahod ng
empleyadong mababa sa sampu ang tauhan ng isang employer, ang bagong minimum
rate na ngayon para sa mga ito ay P235.00 na mula sa dating P223.00.
Nabatid mula kay Salvacion na inaparubahan na ng Regional
Tripartite Wages and Productivity Board (RTWP) ang Wage Order No. 20 na ito ng
DOLE nitong Mayo 20.
Ngunit kailangan pa umano itong mai-publish sa loob ng 15
days kaya ngayong katapusan ng Mayo ay epektibo at sisimulan na ang pagpapatupad
sa P12.00 na umento sa sahod sa lahat ng empleyado.
No comments:
Post a Comment