Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Magbubukas na ng klase sa a-kwatro ng Hunyo para sa taong
ito ng 2012, pero hanggang sa ngayon ay maghihintay parin umano ang mga opisyal
ng Barangay Caticlan sa ipinangako ng pamunuan ng Boracay Airport para sa
Caticlan Elementary School.
Ayon kay Caticlan Punong Barangay Julieta Aron, hanggang sa
ngayon ay hinihintay parin nila ang panagkong ito, sapagkat wala din umano
silang magagawa kundi ang maghintay pa rin.
Pero sinabi nito na noong una ay naipanagako na umano sa
kanila na taon 2012 ay maililipat o mayroong nang relokasyon para sa nasabing
eskwelahan na ang labas na lamang ay barter.
Dahil ang pamunuan na ng paliparan ang gagastos sa pagbili
ng lupa na pagtitirikan gayon din sa gusali ng paaralan ito.
Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa umano silang
pormal na pang-uusap hinggil sa estado ng paaralang ito.
Matatandaang bago paman magpalit ng administrasyon ang
Caticlan/Boracay Airport ay pinag-planuhan nang ilipat ang Caticlan Elementary
School, dahil tatamaan ito ng gagawing expansion at problema din ito para sa
mga mag-aaral doon dahil sa ingay na dala ng mga eroplanong lumalapag at lumilipad
sa palirang ito.
No comments:
Post a Comment