YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, February 05, 2012

Mga tricycle driver sa Malay at Boracay, pinapakuha na ng ID sa PESO


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Aminado ang Municipal Transportation Officer ng Malay na si Cezar Oczon, na may karagdagan na ngayong isang daang piso ang bayarin ng mga driver operator at driver ng triclycle sa Boracay kapag magrenew ang mga ito ng kanilang prangkisa.

Ayon kay Oczon, kailangan ng ngayon kumuha ng Identification Card ang lahat ng mga driver ng tricycle sa Boracay at mainlang Malay sa PESO o Public Employment Service Office ng bayang ito, at ang babayran sa pagkuha ng ID na ito ng isang daang piso.

Ito ay dahil maliban umano sa ID ng mga driver ngayon sa isla na ibinigay at kinuha sa BLTMPC o Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative, nais na rin ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay na mabilang kung may ilang tricycle driver na sa isla ng Boracay at sa mainland Malay.

Layunin din, ayon kay Oczon, ng LGU sa pagpakuha ng ID na ito, ay upang magkaroon din ng rekord ang lokal na pamahalaan ng Malay, sa pagka-kilanlan ng mga driver na ito.

No comments:

Post a Comment